TACLOBAN CITY — Patuloy ang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation (DVOREF) College of Law sa hanay ng mga pinakamahuhusay na law schools sa buong Pilipinas.
Base sa datos na inilabas ng Supreme Court nitong January 7, 2026, ang DVOREF ang itinanghal na 4th top-performing law school nationwide (para sa mga paaralang may higit sa 100 candidates). Nakakuha ang eskwelahan ng kahanga-hangang 80.19% passing rate para sa mga first-time examinees.
Tagumpay ng Probinsya sa Larangan ng Abogasya
Isang malaking “breakthrough” ito para sa bansa dahil ang DVOREF ang tanging law school mula sa probinsya na nakapasok sa Top 5 ng kanilang kategorya. Sa kabuuang 106 na kumuha ng exam, 85 ang pumasa, dahilan para makatabi ng DVOREF ang mga dambuhalang unibersidad sa Manila.
Top Law Schools (More than 100 First-Time Candidates):
- Ateneo de Manila University
- University of the Philippines
- University of Santo Tomas
- DVOREF College of Law
- San Beda College of Law – Alabang
![]()
Vision at Dedikasyon ni Dean Martin Romualdez
Ang DVOREF College of Law ay pinamumunuan ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez. Bilang isang abogado na nagtapos sa UP College of Law, layunin ni Romualdez na itaas ang kalidad ng edukasyon sa labas ng Metro Manila.
“Ang tagumpay na ito ay patunay na ang excellence sa legal education ay hindi lang para sa Metro Manila,” ani Romualdez. “Ipinakita nito ang galing at sipag ng mga estudyante natin sa Leyte at Visayas. Patunay ito na basta’t tama ang mentorship at disiplina, kayang makipagsabayan ng ating mga regional graduates sa pinakamahuhusay sa bansa.”
Pinasalamatan din ni Dean Romualdez ang buong komunidad ng DVOREF. “Nagpapasalamat ako sa ating administrative staff, faculty members, mga magulang, at lalo na sa ating mga estudyante. Shared victory natin ito.”
World-Class Standards
Ang “Performance of Law Schools” report ng Supreme Court ang nagsisilbing official benchmark para sa kalidad ng mga law schools sa bansa. Sa paglampas ng DVOREF sa maraming sikat na paaralan sa Maynila, napatunayan nito na ang Leyte ay isa nang sentro ng karunungan sa batas.
Dalawang araw matapos ang 2025 Bar cycle, ang balitang ito ay nagdala ng ‘good vibes’ at inspirasyon sa lahat ng mga taga-Leyte at sa mga katuwang sa larangan ng batas.


